--Ads--

CAUAYAN CITY Patay ang dalawang taong gulang na batang babae matapos na mahagip ng isang SUV sa Saranay, Cabatuan, Isabela.

Ang biktima ay si Cherry Anne Guillermo, 2-anyos, at residente ng Turod, Reina Mercedes, Isabela habang ang pinaghihinalaan ay si Edwin Jasper Santos, 25-anyos, tsuper ng SUV at residente ng Saranay, Cabatuan, Isabela.

Lumalabas sa pagsisisyasat na hindi napansin ng pinaghihinalaan na tumakbo ang bata papalapit sa minamaneho niyang sasakyan kaya aksidente niyang nahagip ang biktima.

Nagtamo ng sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang bata na agad dinala sa pagamutan subalit idineklarang dead on arrival ng kanyang attending physician.

--Ads--

Boluntaryo namang sumuko sa himpilan ng pulisya si Santos na maaaring maharap sa kasong Reckless Imprudence Resulting in Homicide.