--Ads--

CAUAYAN CITY – Nasawi ang dalawang babae matapos bumangga ang sinasakyan nilang motorsiklo sa nakaparadang Trailer truck sa Brgy Tuao, North, Bagabag, Nueva Vizcaya.

Ang mga biktima ay kapwa residente ng Brgy. Bangar, Solano, Nueva Vizcaya habang ang tsuper naman ng trailer truck ay si AJ, di tunay na pangalan, at residente ng Atulayan Norte, Tuguegarao City.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PMaj. Novalyn Aggasid, Information Officer ng Nueva Vizcaya Police Provincial Office, sinabi niya na bago ang insidente ay binabagtas ng motorsiklo ang pambansang lansangan.

Nang makarating sa pinangyarihan ng insidente ay bumangga ito sa likurang bahagi ng nakaparadang truck.

--Ads--

Nagtamo ng matinding sugat sa katawan ang mga biktima na nagresulta sa kanilang agarang pagkasawi.

Galing umano ang mga biktima sa bar dahil nakita sila ng mga kapulisan doon nang magsagawa sila ng Oplan Bakal.

May pagkukulang naman umano ang truck driver sa naturang insidente dahil nasakop na nito ang ilang bahagi ng outer lane ng National Highway at may kadiliman din ang lugar.

Gayunman, hindi na nagsampa ng kaso ang pamilya ng mga biktima dahil aminado ang mga ito na may pagkukulang din ang mga biktima.