--Ads--

CAUAYAN CITY – Patay ang dalawang babae sa naganap na aksidente sa Echague at Reina Mercedes, Isabela.

Unang namatay ang lola na si Martina Sayan, 66 anyos, may-asawa at residente ny Burgos, Alicia makaraang mabangga ng minamanehong sasakyan ni Allan Gumpal, tsuper at residente ng Santo Domingo, Echague, Isabela.

Biglang tumawid ang lola kaya nabangga at bumagsak sa lansangan.

Agad dinala ni Gumpal ang biktima sa ospital ngunit idineklarang dead on arrival.

--Ads--

Samantala, patay si Pilar Lazaro, 26 anyos, isang service crew at residente ng Turod, Reina Mercedes, Isabela.

Si Lazaro ay nakaangkas sa motorsiklong minamaneho ni Benjamin Moises,20 anyos, binata, isa ring service screw na residente ng Centro tres, Cabatuan, Isabela nang masangkot sa aksidente sa Callao, Alicia, Isabela.

Nawalan umano ng kontrol sa manibela si Moises na sanhi para malaglag mula sa sinakyang motorsiklo si Lazaro.

Nabagok ang ulo ni Lazaro sa sementadong daan na naging sanhi ng kanyang kamatayan.