--Ads--

CAUAYAN CITY– Dalawang bahay na kinabibilangan ng isang ancestral house ang natupok ng apoy matapos masunog sa Turayong, Cauayan City.

Ang nakatira sa nasabing ancestral house ay ang pamilya nina Tolentino Turingan at kapatid na si Isabela Turingan Javar at ang mga pamilya ng kanilang mga anak habang ang isa pang bahay na natupok ng apoy ay pagmamay-ari rin ng kanilang kaanak.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Senior Fire Officer One Eliseo Cabasal, Chief Investigator ng BFP Cauayan Cty na nagsimula sa pangalawang palapag ng Turingan Ancestral house ang sunog.

Isa anya sa kanilang sinisiyasat ay ang nakalimutang magpatay ng appliances na hindi naka-unplug at nagkaroon ng electrical overloading ng linya

--Ads--

umabot anya sa 11 firetruck ng Cauayan City at mula sa iba’t ibang bayan sa Isabela ang umapula sa sunog na tumagal ng mahigit isang oras.

Sa pagtaya ng BFP Cauayan ay aabot sa halagang Php800,000.00 ang natupok na dalawang bahay.

Umaabot sa 6 na pamilya ang nakatira sa natupok na ancestral house ng pamilya Turingan at wala namang nasaktan maliban sa mga kagamitan at mga mahahalagang dokumentong naabo.