CAUAYAN CITY – Tinupok ng apoy ang dalawang residential house sa bahagi ng Brgy. District 1, San Manuel, Isabela pasado alas 6:30 kagabi, March 17, 2025.
Ang dalawang bahay ay pag-aari ni Richard Tan at may-ari ng La Suerte Rice Mill
Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan sa BFP San Manuel, pasado alas-siete na ng gabi nang tuluyang ideklarang fireout ang sunog ng Bureau of Fire Protection o BFP San Manuel.
Umabot sa 2nd alarm ang nasabing sunog kaya nangailangan ng tulong BFP San Manuel sa kalapit na Kawanihan ng Pamatay Sunog.
Kasalukuyan na ang imbestigasyon ng mga otoridad sa naging sanhi ng sunog maging ang naitalang pinsala sa ari-arian.
Batay sa pagsisiyasat ng BFP, ang isang bahay ay 80% ang tinupok ng apoy habang ang isa pang bahay ay nasa 70% ang nasunog.











