--Ads--

CAUAYAN CITY– Posibleng electrical short circuit ang itinuturong sanhi sa pagkasunog kagabi ng dalawang bahay sa Brgy. Tres, San Mateo, Isabela.

Ang ang bahay na pinagmulan ng sunog ay pag-aari ng magkapatid na sina Harry at Jeffrey Sebastian habang ang nadamay na bahay ay pag-aari ni Fernando Serrano.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni SFO2 Francisco Mateo, Fire Marshal ng BFP-San Mateo, na narekober nila ang fuse box sa bahay ng magkapatid na Sebastian at nakita na may bukol-bukol ang linya ng kuryente.

Aniya, nangangahulugan na nagkaroon ng electrical short circuit sa linya ng kuryente.

--Ads--

Magkagayunpaman, inihayag din ng fire marshal na kailangan pa rin nilang ivalidate ito upang tuluyang malaman ang dahilan ng sunog.