--Ads--

CAUAYAN CITY – Hindi pa nakilala ang 2  lalaki na pinaninIwalaang biktima ng extra judicial killings at itinapon ang mga bangkay sa drainage Canal sa  Ballacayu, San Pablo, Isabela.

Nakatali ang mga kamay at paa ng dalawang lalaki habang ang kanilang mga bunganga at mukha ay napuluputan ng packaging tape.

Ang unang bangkay ay nakasuot ng tsinelas na kulay itim at asul, nakasuot ng short pants na itim, puting sando at may tattoo na smoke sa kanang kamay.

Ang  unang  biktima ay nagtamo ng bala sa kanyang kanang kamay, kaliwa at kanang bahagi ng mukha at kaliwang paa.

--Ads--

Ang ikalawang bangkay ay nakasuot ng asul na sando at kulay abo ang pantalon at  nagtamo ng 2  tama ng bala sa ulo, dibdib, at sa kanyang kilikili.

Nakuha ng mga otoridad sa pinangyarihan ng krimen ang  5  basyo ng bala mula sa Caliber 45 na baril.

Patuloy na inaalam ng mga otoridad ang pagkakilanlan ng 2  biktima.