--Ads--

CAUAYAN CITY- Dalawang short firearms, mga assorted na bala at airgun ang nakumpiska ng mga otoridad sa pagsisilbi ng  search warrant sa dalawang  bahay sa Sifu, Ilagan City.

Ang mga search warrant ay inilabas ni Judge Raul Babaran ng RTC Branch 19 Cauayan City

Unang isinilbi ng magkasanib na puwersa ng Ilagan City Police Station, Isabela Public Safety Company at Special Weapons And Tactics ang search warrant sa bahay ni Joseph Josue, 36 anyos, may-asawa, magsasaka at residente ng Sifu, Ilagan City.

Nakuha sa bahay ni Josue ang isang Colt 45 pistol na may 2 magazine at 13 bala,  at isang airgun rifle.

--Ads--

Isinunod ng mga otoridad na isilbi ang search warrant sa bahay ni Benny Josue , nasa wastong gulang na residente ng Purok 5,  Sifu, Ilagan City.

Nakuha sa kanyang bahay ang isang Caliber 38 revolver na may 5 bala, 7 piraso ng magazine at 24 na piraso ng bala para sa M16 Armalite rifle  at dalawang bandolier para sa M16.

Wala si Benny Josue sa kanyang bahay ng isilbi ang search warrant.