--Ads--

CAUAYAN CITY – Dinakip matapos masamsaman ng dalawang baril ang isang lalaki sa isinagawang checkpoint sa Poblacion, San Pablo, Isabela

Ang dinakip ay si Jaypee Delgado, 27 anyos walang trabaho at residente ng Binuang, San Pablo.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan sa Isabela Police Provincial Office, nagsagawa ng checkpoint ang mga kasapi ng San Pablo Police Station sa Baculod, San Pablo kaugnay ng nangyayaring sagupaan ng mga sundalo at NPA sa bayan ng Jones, Isabela.

Nang patigilin ang suspek na sakay ng motorsiklo ay bigong maipakita ang oplan visa at lisensiya sa pagmamaneho.

--Ads--

Pinabuksan ng mga pulis ang u-box ng motorsiklo at nakita ang isang Caliber 38 revolver at Smith and Wesson .57 magnum na walang bala at walang dokumento.

Dinala si Delgado sa himpilan ng pulisya at nahaharap sa kasong paglabag sa RA 10591 (comprehensive Firerams and Ammunition Regulation Act).