--Ads--

Ipinakita ni Philippine Coast Guard (PCG) spokesperson Commodore Jay Tarriela ang ilang kuha ng pinsalang tinamo ng mga barko ng Philippine Coast Guard kasunod ng umano’y “unlawful and agressive maneuvers” ng Chinese Coast Guard sa West Philippine Sea ngayong madaling araw  ng Lunes, August 19.

Sa inilabas ana impormasyon ng National Task Force for the West Philippine Sea (NTF-WPS) nagsasagawa ng resupply mission ang BRP Bagacay at BRP Cape Engaño ng Philippine Coast Guard (PCG).   

Sa kabila ng insidente, nagpatuloy naman ang misyon ng dalawang barko ng PCG sa Patag at Lawak Island.

Kinondena din ng National Task Force for the West Philippine Sea ang pangyayari at mariing nanawagan sa China na sumunod sa United Nations Convention on the Law of the Sea para maiwasan ang mapanganib na mga pangyayari.

--Ads--