--Ads--

CAUAYAN CITY –

2 batang edad 8 at 5, patay sa naganap na magkahiwalay na aksidente sa Isabela

CAUAYAN CITY – Dalawang bata ang namatay sa naganap na magkahiwalay na aksidente sa lalawigan ng Isabela.

Una rito patay ang isang walong taong gulang na bata matapos mabangga ng isang sasakyan ang isang motorsiklo sa barangay M.H. Del Pilar, Alicia, Isabela.

--Ads--

Ang binawin ng buhay ay si Lester Martines, 8 anyos, residente ng Cauayan City.

Nakilala naman ang tsuper ng motorsiklo n sinakyan ng bata na si Joey Ortigas, 24 anyos, binata, residente Nungnungan, Cauyan City.

Ang suspek na tsuper ng Isuzu Dmax ay si Ruben Martines, 44 anyos, may asawa, at residente ng District 1, Gamu, Isabela.

Pauwi na ang 2 sakay ng motorsiklo nang matagis ng sasakyang minamaneho ni Matines.

Samantala, Namatay ang isang 5 anyos na batang lalaki matapos mabangga ng sports utility vehicle (SUV) na minaneho ng lasing na lalaki sa brgy Sta. Catalina, Ilagan City.

Ang biktima ay kinilala lamang sa pangalang Norman, 5 anyos habang ang suspek na nagmaneho ng SUV ay si Joey Rivera, 45 anyos, may asawa, dating OFW at kapwa residente ng Sta. Catalina, Ilagan City.

Ayon sa paunang impormasyong nakuha ng bombo Radyo sa Ilagan City Police Station, binabagtas ng SUV ang barangay road ng sta. Catalina ng mabunggo ang naglalakad na bata sa gilid ng daan.

Nagtamo ng sugat sa kanyang katawan ang bata habang lasing ang tsuper ng sasakyan batay sa resulta ng kanyang alcoholic breath test.

Kaagad dinala sa ospital ang bata ngunit idineklarang dead on arrival.