CAUAYAN CITY – Dinakip ang isang lalaki sa isinagawang drug buy bust operation ng mga kasapi ng Cordon Police Station.
Ang dinakip ay si Alfredo Lucero, 32 anyos, binata, isang butcher at residente ng Turod Sur, Cordon, Isabela.
Nakuha sa pag-iingat ng suspek ang isang sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu kapalit ng P/500.00 marked money.
Kabilang ang suspek na minamanmanan ng PNP at Phil. Drug Enforcement Agency (PDEA) Region 2 dahil sa pagkakasangkot sa illegal na droga.
Samantala, Dinakip ng mga kasapi ng Jones Police Station si Antonet Corpuz, 24 anyos, binata, isang magsasaka at residente ng Minuri, Jones, Isabela.
Dinakip si Cruz sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ng Regional Trial Court Branch 21, Santiago City dahil sa kasong attemped rape.
Makakalaya lamang ang pinaghihinalaan kapag naglagak ng piyansang P/120,000.00




