--Ads--

CAUAYAN CITY- Sugatan ang dalawang binata matapos sumalpok ang sinasakyan nilang motorsiklo sa isang signage sa National Highway na sakop ng District 2, Cauayan City, Isabela.

Ang mga biktima ay sina Michael Jake Gagarin at Mackniel  Gagarin na kapwa residente ng Reina Mercedes, Isabela.

Batay sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan sa mga rumespondeng kapulisan, ang dalawang biktima kasama ang dalawa pang indibidwal ay galing umano sa tatlong bar sa Barangay San Fermin, Cauayan City.

Pauwi na sana ang mga ito sa bayan ng Reina Mercedes nang bigla na lamang nawalan nang kontrol ang tsuper ng motorsiklo dahilan kayat sumalpok ito sa isang signage sa gilid ng daan.

--Ads--

Dahil sa lakas ng pagkakabangga ay tumilapon ang mga biktima ng apat hanggang limang metro ang layo mula sa kanilang motorsiklo.

Nagtamo naman ng sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang mga biktima na agad namang dinala sa pribadong pagamutan ng mga rumespondeng kasapi ng Rescue 922.

Kinumpirma rin ng mga kapulisan na walang suot na helmet ang mga biktima at wala ring lisensya.