--Ads--

CAUAYAN CITY– Matapos ang dalawang buwan na pagkakatalaga bilang acting provincial director ng Isabela Police Provincial Office ( IPPO ) ay pinalitan si Sr. Supt. Romeo Mangwag matapos italaga sa Police Regional Office No 2 sa Tuguegarao City.

Nilisan niya ang IPPO at pinalitan siya ng bagong panlalawigang direktor na si Sr. Supt. Mariano Cureg Rodriguez, kasapi ng PNPA class ’96, dating hepe ng pulisya sa Cauayan City at naitalaga na rin sa IPPO.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Supt. Warlito Jagto, PCR at PIO ng IPPO, sinabi niya na nagkabisa noong unang araw ng mayo ang pagkakatalaga ni Rodriguez.

Kaninang umaga ay isinagawa ang command conference sa IPPO para maipabatid ng bagong panlalawigang direktor ang kanyang mga polisiya at guidelines.

--Ads--

Ayon kay Supt. Jagto, walang ibang dahilan sa pagpapalit kay Sr. Supt. Mangwag kundi bunga ito ng kautusan ang nakatataas nilang pinuno.

Wala ring rekomendasyon ang pamahalaang panlalawigan para sa pagtatalaga ng bagong pinuno ng IPPO.