--Ads--

CAUAYAN CITY – Kusang sumuko sa mga otoridad ang dalawang CTG supporter matapos makapagpasya na tuluyan nang wakasan ang kanilang ugnayan sa rebeldeng grupo.

Kinilala ang dalawang CTG supporters na sina alyas “Juan” at alyas “Pedro” na parehong Non-Periodic Status Report Threat Group o PSRTG listed.

Boluntaryo ring isinuko ni alyas “Juan” ang isang yunit ng caliber .38 revolver.

Kaugnay nito, ang matagumpay na pagsuko ng dalawang CTG supporter ay dahil na rin pinaigting na kumpanya kontra insurhensiya at programa ng pamahalaan sa ilalim ng NTF ELCAC, Project SUBLI.

--Ads--

Nasa kustodiya ngayon ng 1st IPMFC ang dalawang CTG supporters para sa kaukulang dokumentasyon at custodial debriefing.