--Ads--

View Post

CAUAYAN CITY – Nanawagan ang mga otoridad na sumuko ang driver ng sasakyan na nakabangga sa isang motorsiklo sa Almaguer North, Bambang, Nueva Vizcaya na ikinamatay ng dalawang dalagita at ikinasugat ng nagmaneho sa motorsiklo.

Ang mga namatay ay sina Joanna Rose Sagun, 13 anyos at Jamaica Adelia Hadjomar, 14 anyos, kapwa residente ng Allaga, Bambang, Nueva Vizcaya habang tsuper ng motorsiklo na nasugatan ay si Edgar Fragata, 21 anyos, residente ng Nagtipunan, Quirino.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PCpt Julia Mejia, Officer In Charge ng Bambang Police Station, sinabi niya na may binili ang mga biktima sa Poblacion ng Bambang at pauwi na sila nang mangyari ang aksidente.

--Ads--

Nag-overtake umano ang motorsiklo sa bandang kanan ng daan ngunit nabangga ang nakaparadang van sa gilid ng daan.

Tumilapon ang mga biktima sa daan at nabangga sila ng paparating na sasakyan na hindi tumigil.

Agad na namatay sina Sagun at Hadjomar dahil sa malalang sugat sa kanilang ulo habang nasa critical na kalagayan ang nagmaneho sa motorsiklo na si Fragata.