Dalawang German daredevils ang matagumpay na tumawid sa isang slackline na nakasabit sa pagitan ng dalawang hot air balloons sa taas na 8,202 feet, na nagbigay sa kanila ng bagong Guinness World Record para sa pinakamataas na slackline walk.
Ginawa nina Friedi Kühne at Lukas Irmler ang kanilang makapigil-hiningang paglalakad sa himpapawid sa ibabaw ng Riedering, Germany. Sa kanilang tagumpay, nalampasan nila ang dating record na 6,236 talampakan na naitala noong 2021.
Ayon kay Irmler, na siyang unang tumawid, hindi naging madali ang pagsubok.
Sumunod naman si Kühne sa matapang na hakbang ng kanyang kaibigan. Ngunit inamin niyang nakakatakot panoorin si Irmler habang nahihirapan sa slackline.
Sa huli, masayang ipinagdiwang ni Kühne ang kanilang tagumpay sa pamamagitan ng pagtalon mula sa slackline gamit ang parachute—isang dramatic na pagtatapos sa kanilang bagong world record.