--Ads--

Pormal nang sinimulan ngayong araw ang two-day North Luzon Disaster Risk Reduction and Management Office Convention sa Isabela Convention Center, Cauayan City, Isabela.

Layunin nitong magkaroon ng alyansa ang lahat ng mga DRRMO sa buong Northern Luzon at maging sa Central Luzon.

Kabilang sa mga participant dito ay nasa 447 LGUs mula sa Region 1, Region 2, Region 3 at Cordillera Administrative Region.

Ito ang kauna unahang convention ng mga DRRMO officers sa buong Northern at Central Luzon.

--Ads--

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kayRegional Director Leon Rafael, Regional Director ng Office of the Civil Defense Region 2, sinabi niya na mahalaga ang ganitong pagtitipon para mabuo ang alyansa ng lahat ng mga MDRRMO sa Northern at Central Luzon.

Aniya, tatalakayin dito ang mga pinakamalubhang naranasan ng isang DRRMO office pagdating sa mga kalamidad.

Sa pamamagitan din nito ay mapag uusapan kung papaano makakapagtulungan ang bawat isa kapag may mga kalamidad.