--Ads--

CAUAYAN CITY – Patay ang dalawang katao sa banggaan ng dalawang motorsiklo sa pambansang lansangan na nasasakupan ng Brgy. Munoz East, Roxas, Isabela.

Ang mga sangkot ay ang Honda Click na minaneho ni Juan Gusto Jr., 58 anyos, magsasaka at residente ng Marcos, Roxas, Isabela at ang Honda Airblade na minaneho ni Emson Banya-ao, 41 anyos at residente ng Bagumbayan, Amlao, Tabuk City, Kalinga.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PMaj. Ardee Tion, hepe ng Roxas Police Station, sinabi niya na binabagtas ng motor ni Gusto ang pambansang lansangan patungong timog habang patungo naman sa kasalungat na direksyon ang motorsiklo Banya-ao.

Nang makarating sa pinangyarihan ng aksidente ay nag-overtake umano ang motorsiklo ni Gusto sa sinusundang sasakyan subalit nakasalubong nito sa kabilang linya ang motorsiklo ni Banya-ao kayat nagbanggaan ang mga ito.

--Ads--

Bagama’t may suot na helmet ang mga sangkot subalit sa lakas ng banggaan ay nagtamo ang mga tsuper ng motorsiklo ng malalang sugat na dinala pa sa pagamutan subalit idineklara na silang dead on arrival.

Ayon kay Maj. Tion, posibleng hindi napansin ng Tsuper ng Honda Click ang kasalubong dahil sa lakas na rin ng pag-ulan nang mangyari ang insidente.

Dahil sa parehong nasawi ang mga sangkot na tsuper kayat ipapasakamay nalang ang mga motorsiklo sa kanilang mga pamilya.