--Ads--

CAUAYAN CITY – Dalawang tsuper ang panibagong nadakip ng mga kasapi ng Santiago City Police Office at Phil. Drug Enforcement Agency (PDEA) 2 dahil sa pagbebenta ng illegal na droga.

Nadakip ng pinagsanib na puwersa ng Santiago Drug Enforcement Unit, Regional Enforcement Unit, PDEA Region 2 at Station 1 ng Santiago City Police Office si Christopher Tolentino, aa anyos, may-asawa at residente ng Purok 2 Rizal, Santiago City.

Inaresto si Tolentino matapos niyang bentahan ng pinatuyong dahon ng marijuana ang isang pulis na nagpanggap na poseur/buyer.

Nasamsam pa sa suspek ang drug buy bust money.

--Ads--

Sumunod na inaresto ay ang ang tsuper ng traysikel na si Dexter Nelmida, 20 anyo, residente ng Purok 7 Rizal,Santiago City.

Pinatuyong dahon ng marijuana rin ang ibinenta ni Nelmida sa umaktong puseur/buyer.

Nasamsam sa kanya ang mga pinautiyong dahon ng marijuana at marked money.

Binili umano ng 2 suspek ang ibinebentang pinatuyong dahon ng marijuana sa lalawigan ng Kalinga.

Ang dalawa ay nasa pangangalaga ng Station 1 ng Santiago City Police Station at nahaharap sa kasong paglabag sa Rep. Act 9165 ( Comprehensive dangerous drugs act of 2002 ).