--Ads--

CAUAYAN CITY – Dati nang sumuko sa oplan Tokhang sa Cordon Police Station ang maglive-in partner na naaresto sa isinagawang drug buy bust operation sa Brgy. Turud Sur, Cordon, Isabela.

Ang mga suspek ay sina Fedelisa Evangelista, 31 anyos, walang trabaho at Riehmar Fernandez, 30 anyos, welder at kapwa residente ng naturang barangay.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan sa Cordon Police Station, isinagawa ng pinagsanib na puwersa ng Cordon Police Station sa pangunguna ni PLt. Allan Batara katuwang ang Drug Enforcement Unit sa pangunguna ni PMajor Alexander Rodrigo at Regional Drug Enforcement Unit sa pangunguna ni PCaptain Rodel Gervacio ang drug buy bust operation na nagresulta sa pagkakadakip ng mga suspek.

Isa umanong heat sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu ang ibinenta ng suspek sa pulis na nagpanggap na poseur buyer kapalit ang Php 500.00.

--Ads--

Nakuha sa pag-iingat ni Evangelita ang naturang buy bust money