--Ads--

CAUAYAN CITY- Dinakip sa isinagawang drug buy bust operation ng mga otoridad ang magkaibigan na mula sa mga bayan ng Ramon at San Mateo, Isabela.

Magkasanib na puwersa ng Cauayan City Police Station, Isabela Police Provincial Office at Drug Enforcement Unit ang nagsagawa ng operasyon laban sa magkaibigang sina Ronron Quiambao, 23 anyos, may-asawa, residente ng Bugallion Norte, Ramon, Isabela at Sylvester Antonio,20 anyos, binata at residente ng Sinamar Sur, San Mateo, Isabela.

Nauna rito ay nakatanggap ng impormasyon ang Cauayan City Police Station na ang dalawa ay magkakaroon ng pagbebenta ng illegal na droga sa Barangay San Fermin, Cauayan City kayat mayroong umaktong pusseur buyer.

Makaraang iabot ng mga pinaghihinalaan ang illegal na droga sa umaktong pusseur buyer ay dinakip na ang dalawang suspek.

--Ads--

Nakuha sa pag-iingat ng mga suspek ang isang sachet ng hinihinalang naglalaman ng shabu at 2 piraso ng ng P/1,000.00 marked money bukod pa sa 5 piraso ng tig-P/100.00 at 15 piraso ng limang pisong coin at dalawang cellphone at motorsiklong walang plaka na ginagamit ng dalawa.

Ang dalawang suspek ay kapwa drug surrenderer sa kani-kanilang mga bayan at inihahanda na ang kasong paglabag sa Republic Act 9165 (comprehensive dangerous drugs act of 2002) laban sa kanila.