--Ads--

CAUAYAN CITY – Inaresto ng magkasanib na puwersa ng Quezon Police Station at Philippine Drug enforcement Agency (PDEA) region ang dalawang Guest Relation Officer (GRO) o entertainer sa isinagawang anti drug operation sa Quezon, Isabela.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay P/Capt. Fresiel Dela Cruz, hepe ng Quezon Police Station,sinabi niya na nakatanggap sila ng ulat mula sa ilang concerned citizen na may nagaganap na bentahan ng iligal na droga sa kanilang bayan.

Batay sa kanilang pagsisiyasat napag-alaman na ang dalawang entertainer o GRO ay mula sa isang bahay aliwan at nagbebenta ng iligal na droga sa kanilang mga parokyano.

Anya ang dalawang suspek na inaresto ay nagpakilalang taga Metro Manila.

--Ads--
Tinig ni P/Capt. Fresiel Dela Cruz

Idinagdag pa ni P/Capt. Dela Cruz na matapos ang interogasyon sa dalawang suspek ay napag-alaman nilang binibili sa lalawigan ng Kalinga ang mga iligal na droga na kanilang namang ibinebenta sa Quezon, Isabela.