--Ads--
CAUAYAN CITY – Dinakip ng pinagsanib na pwersa ng Ilagan City Police Station at Phil. Drug Enforcement Agency (PDEA) Region 2 ang dalawang estudyante dahil sa pagbebenta ng illegal na droga sa Ilagan City.
Sa isinagawang drug buy bust operation ay nakuha sa pag-iingat ng dalawang mag-aaral ang dalawang pakete na naglalaman ng pinatuyong dahon ng marijuana, P/1,000.00 marked money at isang cellphone na ginamit sa transaksiyon.
Dinala sila sa himpilan ng pulisya ang dalawang mag-aaral para sa kaukulang disposisyon bago dinala sa PNP crime laboratory para ipa-drug test.
Ipinasakamay din ang 2 estudyante sa Department of Social Welfare and Development para sa counselling.
--Ads--




