--Ads--

CAUAYAN CITY – Newly identified drug suspect ang dalawang menor de edad na inaresto sa isinagawang anti illegal drug buy bust operation ng mga otoridad sa Brgy. District 3, Tumauini, Isabela..

Kapwa 17 anyos ang mga suspek na mga out of school youth at residente ng District 4, Tumauini, Isabela.

Nahuli sa aktong nagbebenta ng hinihinalang pinatuyong dahon ng marijuana ang isa sa mga suspek.

Bukod sa marijuana ay nakuha din sa pag-iingat ng suspek ang buy bust money.

--Ads--

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PMajor Rolando Gatan, hepe ng Tumauini Police Station, sinabi niya na isang menor de edad lamang ang puntirya ng kanilang operasyon at nataon na sumama ang kabarkada ng kabataan na napatunayang gumagamit ng marijuana at nasamsam din ng dahon ng marijuana.

Matagal na rin anyang gumagamit ng illegal na droga ang dalawang menor de edad ngunit hindi natitiyempuhan ng mga otoridad.

Tinig ni PMajor Rolando Gatan

Ipinasakamay na ng mga otoridad sa DWSD ang dalawang menor de edad para sa gagawing assessment at evaluation.