--Ads--

CAUAYAN CITY – Tinukoy ng PDRRMO Nueva Vizcaya ang ilang Fault Line sa lalawigan kasunod ng pagsasagawa ng National Simultaneous Earthquake Drill kahapon.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Binibining Nicole Gimarino, tagapagsalita ng PDRRMO Nueva Vizcaya, dalawa ang binabantayang Fault Line sa lalawigan na kinabibilangan ng Andalan Fault na dumadaan sa mga bayan ng Kayapa at Dupax at Biddig Fault na matatagpuan sa bayan ng Sta. Fe.

Dahil dito, mahalaga ang pagsasagawa ng Earthquake Drill sa lalawigan kaya dapat lamang itong seryosohin.

Siniguro naman niya na may maayos na evacuation sites ang bawat barangay sa Lalawigan.

--Ads--

Kaugnay nito ay mayroon na ring programa ang Pamahalaang Panlalawigan para sa relocation ng mga naninirahan sa mga landslide o earthquake prone areas.

Katunayan ay nailipat na rin ang mga naninirihan sa Brgy. Runruno, Quezon  kung saan naganap ang pagkasawi ng ilang indibidwal dahil sa pagguho ng lupa dulot ng bagyong Ulysses noong nakaraang taon.

Tinig ni Nicole Gimarino.