--Ads--

CAUAYAN CITY- Isang lady guard ang naaktuhan ng kanyang mister sa loob mismo ng isang hotel sa brgy san fermin,Cauayan City kasama ang kanyang umanoy kalaguyo na isa ring security guard.

Batay sa pagsisiyasat ng Cauayan City Police Station, nagparesponde sa pulisya ang suspek na si Emma, di tunay na pangalan, 25 anyos dahil sa pananakit umano ng kanyang mister at nang tumugon ang PNP ay wala na doon ang asawa niyang itinago rin sa pangalang Lando.

Ayon kay P/Sr.Inspector Ferdinand Datul, Chief ng Investigation Section ng Cauayan City Police Station, nang paalis na si Emma ay may sumundo pala sa kanya na lalaki at dumiretso sa isang hotel.

Hindi naman akalain ni Emma na sinundan siya ng asawa hanggang sa nasabing hotel at doon ay siya mismo ang kumatok sa kuwatro ng kanyang asawa at ng kalaguyo nito na si Edu, 32 anyos, may asawa, isa ring security guard at residente ng Cabatuan Isabela.

--Ads--

Agad na ring inaresto ng mga pulis ang magkalaguyo at dinala sa himpilan ng pulisya.

Kasong adultery ang kakaharapin ni Emma.