--Ads--

CAUAYAN CITY –   Magtutunggali sa pagka-gobernador  ang 2 incumbent congressman ng Isabela.

Kaninang alas diyes ng umaga ay naghain na ng kanyang Certificate of Candidacy (CoC)  si Congressman Rodito Albano ng 1st district ng Isabela para sa pagtakbo sa pagka-punong lalawigan.

Makakatunggali niya Congressman Napoleon Dy ng 3rd distrct ng Isabela na nagharap ng kanyang CoC noong unang araw ng paghahain ng kandidatura

Tiyak na rin ang pagtatapat sa 2019 midterm elections ng dalawang beses na nagtunggali sa pagka-gobernador na sina incumbent Governor Faustino “Bogie” Dy III at dating Lady Governor Grace Padaca.

--Ads--

Ito ay matapos na pormal nang naghain ng kandidatura kaninang alas diyes ng umaga si Gov. Dy para sa kanyang pagtakbo sa pagka-bise gobernador katandem si Cong. Albano.

Naghain din ng COC si dating Senador Heherson Alvarez na tatakbong congressman ng 4th district ng Isabela.

Makakatapat niya si Congressman Giorgidi Aggabao na muling kakandidato.

Tatlong kasapi ng Dy political clan ang naghain ng CoC sa pagka-kongresista.

Sila ay sina Liga ng mga Barangay National Federation president Faustino “Inno” Dy  IV para sa 6th district, Alicia Mayor Ian Paul Dy para sa 3rd district at San Manuel Mayor Faustino  Michael Dy III para sa 5th district.

Ang iba pang tatakbong congressman sa Isabela ay sina Vice Gov. Antonio “TonyPet”  Albano  at  Stephen Soliven  para sa 1st district, Board Member  Ed Christopher Go at Elizabeth  Felipe para sa 2nd district,  Darwin Abuan at   Robert Siquian para sa 3rd district, Jeanybel Coquilla para sa 4th district at  dating Cong. Edwin Uy para sa 5th district ng Isabela,