--Ads--

CAUAYAN CITY- Nadakip ng mga otoridad ang dalawang indibiduwal dahil sa pagbebenta ng mga agricultural products na pag mamay-ari ng Pamahalaan.

Ikinasa ng mga otoridad ang isang joint operation na pinangunahan ng Criminal Investigation and Detection Group o CIDG Isabela katuwang ang Cauayan City Police Station at Department of Agriculture Region 2 ang isang entrapment operation na nagresulta sa pag kakaresto nina Alyas Wena, 48-anyos, biyuda, negosyante na residente ng Pinoma Cauayan City, Isabela at kasamang si Alyas Dino, tricycle driver na residente ng Quezon San Isidro Isabela.

Kapwa ngayon mahaharap ang mga suspect sa kasong paglabag sa Presidential Decree 1144 at Republic Act 7394 o Consumer act of the Philippines.

Nakuha sa pag iingat ng mga suspek ang 24 na sako na naglalaman ng tig-sampung bags ng binhi na may tig-tatlong kilo kada bag, isang L300 van, cellphone at sales invoice.

--Ads--

Ang mga suspect ay ipinasakamay na sa CIDG Isabela Provincial forensics office para sa dokumentasyon at disposisyon.