--Ads--

CAUAYAN CITY – Naganap ang dalawang insidente pagguho ng lupa bunga ng mga pag-ulan na dala ng bagyong Maring.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan mula sa Command Center ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) na pansamantalang isinara ang daan sa bahagi ng Sta Fe na papuntang Pangasinan.

Naging one way ang daan sa San Luis sa bayan ng Diadi dahil sa pagguho ng lupa ngunit kaninang alas otso ng umaga ay madaanan na ang dalawang lane ng nationak highway.

Patuloy naman ang pagmomonitor ng PDRRMO sa water level ng mga ilog sa lalawigan kabilang na ang Apad Bridge sa bayan ng Solano, Lamo Bridge sa Dupax Del Norte at San Leonardo Bridge at Batu Bridge sa Bambang.

--Ads--

Sa Runruno, Quezon ay mahigit limang pamilya ang inilikas kagabi sa Barangay evacuation center dahil sa malakas na buhos ng ulan.

Pinag-iingat ng PDRRMO ang mga residente dahil nararanasang pag-ulan sa lalawigan.