--Ads--

CAUAYAN CITY – Maaari pang madagdagan ang bilang ng magwiwithdraw ng kanilang kandidatura hanggang November 29, 2018 sa panlalawigang antas
Ito ay matapos ang dalawang naghain ng kanilang pag-atras sa kandidatura sa pagka-sangguniang panlalawigan at pangalawang punong lalawigan.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Provincial Election Supervisor, Atty. Manuel Castillo ng Comelec Isabela kabilang sa mga umatras sa pagkandidato si Joselito Bautista sa pagkasangguniang panlalawigan noong Oct. 22, 2018.

Anya, naghain rin ng withdrawal si G. Joel Arsadon sa pagkapangalawang Punong- lalawigan noong Oct. 26, 2018 na pinalitan naman ni Ginoong Alexander Dy.

Dahil dito magkalaban sa pagka Vice Governor sina Gov. Bogie Dy at G. Alexander Dy.

--Ads--

Samantala, tatlo na rin ang inihain na petisyon para maideklarang nuissance candidate ang mga kandidato.