--Ads--

CAUAYAN CITY– Inaresto ng mga otoridad ang dalawang katao kabilang ang isang chinese national makaraang masamsaman ng mga pekeng sigarilyo sa Santiago City.

Inaresto ng mga otoridad ang dalawang katao na sina Tonron Quejada, 23 anyos , binata, residente ng Mabini, Santiago City at chinese national na si Fubin Huang , 25 anyo , binata at residente ng Cauayan City

Umaabot sa mahigit 2.5 million pesos ang halaga ng nasamsam na mga pekeng sigarilyo sa barangay Mabini, Santiago City sa isinagawang operasyon ng magkasanib na puwersa ng Bureau of Costoms, Santiago City Police Office Station 1 at City Intelligence Unit.

Sumama rin ang kinatawan ng isang malaking kompanya ng sigarilyo sa nasabing operasyon.

--Ads--

Inaresto ng mga otoridad ang dalawang katao na sina Tonron Quejada, dalawamput tatlong taong gulang , binata, residente ng Mabini, Santiago City at chinese national na si Fubin Huang , dalawamou’t limang taong gulang , binata at residente ng Cauayan City

Isinilbi ng mga otoridad ang inilabas ng Bureau of Costoms na Letter of Authority sa pangunguna ni Special Agent Daniel Santos sa isang warehouse kung saan nakatago ang mga pekeng sigarilyo sa barangay Mabini.

Nang halughugin ang nasabing bodega ay tumambad sa otoridad ang mga panindang laruan ng bata, plastic ware at katon-karton na pekeng sigarilyo.

Nakita rin ng mga otoridad sa labas ng bodega ang isang forward truck at nasamsam din ang walumput anim na karton ng naglalaman ng iba’t ibang brand ng pekeng sigarilyo

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Barangay Kagawad Dominador Fragata ng Mabini, Santiago City na nakipag-ugnayan ang mga pulis at kinatawan ng BOC sa kanilang barangay at ipinakita ang Letter of Authority para mahalughog ang warehouse o bodega na hinihinalang pinagtaguan ng mga pekeng sigarilyo.

Tinig ni Brgy. Kag. Dominador Fragata

Ayon kay Kagawad Fragata, ngayon lamang niya nalaman na mayroong mga pekeng sigarilyo sa loob ng bodega.