CAUAYAN CITY – Nadakip ang dalawang katao matapos nasamsaman illegal na droga at iba’t ibang uri ng baril sa isinagawang operasyon ng mga awtoridad sa Nambaran, Tabuk City, Kalinga.
Ang mga pinaghihinalaan ay newly identified drug personalities at naaresto sa implementasyon ng search warrant para sa kasong paglabag sa RA 9165 o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002”.
Nakuha mula sa kanilang pag-iingat ang isang Cellophane na naglalaman ng puting crystalline substance na hinihinalang shabu;Isang backpack na naglalaman ng hinihinalang shabu; Labing-apat na piraso ng heat sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng puting crystalline substance na pinaniniwalaang shabu; Isang bote ng alak na naglalaman ng hinihinalang marijuana oil; at Isang bote ng gamot na naglalaman ng pinaghihinalaang langis ng marijuana.
Nasamsam din mula sa mga pinaghihinalaan ang iba’t ibang uri ng firearm ammunitions, isang Caliber 9mm pistol na may magazine na naglalaman ng live ammunitions; isang Caliber 5.56 M16A1 at Colt AR-15 na may long magazine na naglalaman ng live ammunitions; isang pouch; isang short magazine ng Caliber 5.56 with live ammunitions; apat na empty long magazines ng Caliber 5.56 na isinilid sa isang karton; tatlong long empty magazines ng Caliber 5.56 na nakabalot sa isang karton; 60 live ammunitions ng Caliber 5.56 na nakabalot sa karton at tatlong kahon ng live ammunitions para sa Caliber 5.5; isang itim na pouch; isang AR-15 COLT 5.56 Rifle; at isang magazine na naglalaman ng labing anim na piraso ng live ammunition at isang kahon na naglalaman ng labing isang piraso ng live ammunition.
Sa ngayon ang mga pinaghihinalaan at ang mga ebidensiya ay nasa kustodiya na ng pulisya para sa dokumentasyon at kaukulang disposisyon.