--Ads--

CAUAYAN CITY – Patay ang dalawa, isa ang nasugatan sa banggaan ng motorsiklo at Isuzu Forward Truck sa national highway sa Macate Bambang, Nueva Vizcaya.

Ang mga nasawi ay sina Bjorn Jann Rasos , dalawampu’t walong taong gulang, walang asawa, karpintero, tsuper ng motorsiklo at ang angkas na si Abelardo Bongalon Jr.,dalawampu’t tatlong taong gulang, walang asawa at kapwa residente ng Bintawan, Villa Verde.

Ang nasugatan ay si Marlon Tadeo, dalawampu’t isang taong gulang, walang asawa, tsuper ng Isuzu Forward Truck at residente ng barangay Rosario, Lunsod ng Santiago City.

Lumabas sa pagsisiyasat ng Bambang Police Station, binabagtas ng motorsiklo at Isuzu Forward Truck ang magkasalungat na direksyon. Nang makarating sa pinangyarihan ng aksidente ang motorsiklo ay nag overtake at nagkabanggan ang dalawang sangkot na sasakyan.

--Ads--

Dinala pa sa pagamutan ang mga biktima ngunit idineklara ring dead on arrival ang tsuper ng motorsiklo at backrider nito.

Dinala naman ang tsuper ng truck sa Bambang Police Station para sa iba pang imbestigasyon at kaukulang dokumentasyon.