--Ads--

CAUAYAN CITY– Patay ang tsuper ng motorsiklo at backrider nito sa banggaan ng pampasaherong bus at motorsiklo Batal, Santiago City.

Agad na binawian ng buhay ang dalawang sakay ng motorsiklo matapos masalpok ng kasalubong na pampasaherong bus sa kahabaan ng Maharlika Highway na sakop ng barangay Batal, Santiago City.

Ang tsuper ng drayber ng motorsiklo ay si Reymond Pepe Pascua Martin, 35 anyos , delivery rider, habang ang backrider nito ay si Chris Richer Grante, 31 anyos, magsasaka, at kapwa residente ng Brgy. Sta. Monica, Echague, Isabela.

Ang tsuper naman ng pampasaherong bus na Florida na may plakang NAT 2838 ay si Frederico Billena Cunanan, 51 anyos at residente naman ng Sta. Vicente, Buguey, Cagayan.

--Ads--

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni PMajor Fedimer Quitevis, Police Community Affairs and Development Chief ng Santiago City Police Office , lumabas sa inisyal na imbestigasyon na magkasalungat na bumabaybay sa kalsada ang motorsiklo at bus kung saan patungong Santiago City Proper ang bus habang papuntang barangay Divisoria ang motorsiklo.

Nag-overtake umano ang bus at habang nasa kabilang linya ay naabutan at nabangga nito ang paparating na motorsiklo na sakay ng dalawang biktima.

Wasak ang motorsiklo ng mga biktima habang nagtamo ng matinding pinsala sa katawan at ulo ang dalawang mag-angkas sanhi para sila ay bawian ng buhay.

Nagkasundo ang pamilya ng mga biktima at pamunuan ng pampasaherong bus at tsuper ng bus na magbibigay ng tulong pananalapi at hindi na rin sila magsasampa ng kaso laban kay Cunanan.

Amh pahayag ni Police Major Fedimer Quitevis.