--Ads--

CAUAYAN CITY– Nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in serious physical injuries and damage to property ang isang tsuper ng kotse matapos makabanggaan sa isang motorsiklo na may kulong-kulong sa Cauayan City.

Ang biktima ay ang tsuper ng motorsiklo na may kulong-kulong na si Jayson Abillar, 23 anyos, binata, at residente ng barangay Mangandingay, Angadanan, Isabela habang ang suspek tsuper ng Honda City ay si Jonel Galiza 31 anyos, isang empleyado ng bangko at residente ng barangay Culalabat, Cauayan City.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay P/Inspector Sosimo Zambrano ang pinuno ng Investagation Section ng Cauayan City Police Station, sinabi niya na batay sa kanilang pagsisiyasat , binabagtas ng motorsiklo ang Quezon Street patungo sa direksyon ng Cauayan City Hall nang mabangga ng naturang kotse na bumabagtas sa Dalupang St. patungong hilagang direksiyon.

Dahil dito ay nagtamo ng mga sugat sa ibat ibang bahagi ng katawan ang tsuper ng motorsiklo at nawalan din ng malay ang isa pang sakay nito.

--Ads--

Sa ngayon ay inihahanda na ang mga dokumento para sa pagsasampa ng kaso laban sa suspek.