--Ads--

CAUAYAN CITY- Sugatan ang dalawang katao matapos aksidenteng masalpok ng isang motorsiklo ang sinusundan nitong isa pang motorsiklo sa Minante 2, Cauayan City, Isabela

Binabagtas ng dalawang motorsiklo ang daan patungong Cauayan Proper kung saan nasa unahan ang motorsiklong minamaneho ni JR Onarci habang nasa likuran naman nito si Kipo Agcaoili na sakay din ng motor.

Ang dalawang indibidwal na nasangkot sa aksidente ay kapwa residente ng nasabing barangay.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan kay JR Onarci, bibili lang umano siya ng ulam at mabagal lamang ang kanyang patakbo nang bigla na lamang siyang aksidenteng masalpok ng sumusunod sa kanyang motorsiklo.

--Ads--

Dahil dito tumilapon aniya si Kipo at nawalan ng malay.

Agad namang rumesponde ang kasapi ng Rescue 922 at ang mga kapulisan sa nasabing aksidente.

Agad namang dinala sa hospital si Kipo habang si JR naman ay nilapatan ng paunang lunas.