--Ads--

CAUAYAN CITY – Dalawang katao ang tinamaan ng Kidlat sa Villaverde,Nueva Vizcaya.

Manghuhuli sana ng alimango sina Bernardo Neri at kanyang anak na si Bernie Neri, 15 anyos kasama an pamangkin na si Ronaldo Neri, 42 anyos ng tinamaan ng kidlat sina Bernie at Ronaldo.

Ayon Kay Bernardo, nasa taas sila ng irigasyon na walang tubig nang magsimulang kumidlat.

Bigla na lamang umanong narinig nito ang pagsigaw ng kanyang anak kasabay ng kidlat.

--Ads--

Agad hinanap ni Bernardo ang kanyang anak na tumilapon at wala ng Malay.

Isinugod nito ang kanyang pamangkin na mas malala ang sitwasyon dahil sa tinamaan ng kidlat sa batok at mukha.

Buhay pa naman si Ronaldo ng sinala nila sa Veterans Regional Hospital subalit binawian ng buhay habang nilalapatan ng lunas.

Ayon kay Bernardo, hawak ng kanyang anak ang paghuling instrumento samantalang tangan ng kanyang pamangkin ang kanilang itak.

Ang dalawa umano ang magkatabi ng tumama and kidlat samantalang mga 15 metro ang layo sa kanila ni Bernardo.

Nasa maayos na kondisyon na si Bernie habang nilalamayan ang kanyang pinsan.