--Ads--

CAUAYAN CITY – Naniniwala si ANAC-IP Representative Jose Panganiban Jr. at Cong. Rodito Albano ng Isabela na mayroong nagaganap na rebelyon sa Lunsod ng Marawi kayat bomoto sila pabor para sa pagpapalawig ng limang buwang Martial Law sa Mindanao.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni ANAC-IP Partylist Representative Panganiban na niniwala siyang may rebelyon na nagaganap sa Lunsod ng Marawi at isa pang kanyang kinatatakutan ay baka kumalat pa ito sa ibang bahagi ng mindanao.

Marapat lamang na madeklara ng martial law sa Mindanao dahil sa kawawa ang mga mamamayang sibilyan na biktima.

Samantala, inihayag naman ni Cong. Rodito Albano ng 1st District ng Isabela na sinang-ayunan niya ang pagpapalawig ng batas militar makaraang ipaliwanag ng mga opisyal ng AFP na kailangan pa nila ang panahon upang masugpo ang teroristang Maute.

--Ads--

Sinabi ni Kinatawan Albano na kukulangin ang sinasabi ni Senador Franklin Drilon na maaaring lamang palawigin ng 60-araw ang Martial Law dahil nahihirapang mahanap ng mga tropa ng pamahalaan ang mga terorista sa Marawi City.