--Ads--

CAUAYAN CITY- Matagumpay na naaresto ang dalawang indibidwal matapos maaktuhang gumagamit ng illegal na droga bandang sa Brgy. San Fermin, Cauayan City, Isabela.


Batay sa ulat ng mga otoridad, isang concerned citizen ang nagbigay ng impormasyon hinggil sa kasalukuyang paggamit ng illegal na droga sa isang junk shop sa nabanggit na lugar. Kaagad namang umaksyon ang mga kapulisan ng Cauayan Police Station at nagtungo sa nasabing junkshop at doon ay nakitang aktuwal na gumagamit ng hinihinalang shabu at marijuana sina alyas “Ali” at alyas ” Raha” dahilan para sila ay arestuhin.


Nakumpiska mula pag-iingat ng mga suspek ang Limang (5) piraso ng selyadong pakete na naglalaman ng hinihinalang shabu; Isang (1) piraso ng lukot na printed bondpaper na may lamang pinatuyong dahon ng marijuana na may kasamang tangkay at fruiting tops; Dalawang (2) piraso ng empty transparent sachet with residue; Dalawang (2) piraso ng glass tube pipe with residue; Dalawang (2) piraso ng glass tube pipe; Isang (1) improvised stainless tooter; Isang (1) transparent plastic sachet na may lamang unused plastic sachet, blade at small pipe; Dalawang (2) stainless na gunting; Tatlong (3) lighter sa magkakaibang kulay; Isang (1) berdeng lighter na may nakakabit na flame enhancer at Isang (1) checkered coin purse.

Dinala ang suspek maging ang mga nakumpiskang ebidensiya sa himpilan ng pulisya para sa dokumentasyon at kaukulang disposisyon para sa pagsasampa ng kaukulang kaso.

--Ads--