2 lalaki, dinakip dahil sa mga kinakaharap na kaso
CAUAYAN CITY- Dinakip ang dalawang lalaki dahil sa mga kinakaharap na kaso sa Santiago City.
Unang dinakip ng mga otoridad si Michael Mangano, 34 anyos, may-asawa, tricycle driver at residente ng Dubinan East, Santiago City
Ang warrant of arrest laban kay Mangano ay ipinalabas ni Judge Alexander De Guzman ng Municipal Trial Court in Cities ( MTCC) Branch 2 Santiago City sa kasong grave Threat.
Sinabi ni Mangano na sinampahan siya ng kaso ng kanyang tiyuhin at ang kanyang pagkakaalam ay naayos na dahil nagbayad sila ng P/10,000.00 ngunit itinuloy ng kanilang tiyahin ang pagsasampa ng kaso.
Aminado si Mangano na pinagbantaan ang buhay ng kanyang tiyuhin ngunit ito ay dala lamang ng kanyang kalasingan.
Naghain nang piyansang labing dalawang libong piso si Mangano para sa kanyang pansamantalang kalayaan.
Sumunod na dinakip si Rodrigo Javier.54 anyos, may-asawa, magsasaka, residente ng Balintukatoc, Santiago city sa bisa ng Warrant of Arrest na ipinalabas ni Hukom Genevieve Dalos Ande Ewangan ng MTCC Branch 1 dahil sa kasong pagnanakaw .
Makakalaya si Javier kung maglagak ng piyansang P/10,000.00.




