--Ads--

CAUAYAN CITY – Nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9147 (Wildlife Resources Conservation and Protection Act) ang dalawang lalaking nadikip ng Delfin Albano Police Station.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inhayag ni P/Senior Insp. Ericson Aniag, hepe Delfin Albano Police Station na ang kason isinampa laban kina Freddie Madriaga at Cris Orenia na paglabag sa Wildlife Resources Conservation and Protection Act ay kauna-unahan sa kasaysayan ng Isabela Police Provicial Office.

Patunay anya ito na pinangangalaan at pinag-iingatan nila ang natural na kayamanan ng Delfin Albano lalo na ang mga migratory birds at mga endemic and endangered species na matatagpuan sa barangay Carmencita, Delfin Albano na dinedevelop ng national greening program ng DENR.