--Ads--

Timbog ang dalawang lalaki na mula Metro Manila sa Isinagawang BuyBust operation ng mga awtoridad sa Brgy. San Fermin, Cauayan City, Isabela.

Ang mga suspek ay itinago sa alyas Tano, 43 anyos, single unemployed at Alyas Nardo, 56 anyos, may asawa, construction worker at parehong residente ng Brgy. Sun Valley, Paranaque.

Nasamsam sa suspek ang 6 na sachet na naglalaman ng hinihinalang droga na may kabuuang halaga na 149,000 pesos,selpon, wallet, Identification Card, sling bag, lighter at mga damit.

Sa ekslusibong panayam naman ng Bombo Radyo Cauayan sa kay alyas Tano, aminado ito na gumagamit at nagtutulak siya ng iligal na droga.

--Ads--

Aniya, hindi rin ito ang unang beses na siya ay mahuli dahil nakulong na rin siya dahil din sa iligal na droga.

Aniya, ito ang unang pagkakataon na sila ay pumunta sa Isabela para magdeliver ng iligal na droga.

Inamin naman niya na siya ay gumagamit ng iligal na droga bago bumyahe.

Dinala naman ang mga suspek sa Cauayan City Police Station para sa tamang disposisyon at dokumentasyon.