--Ads--
CAUAYAN CITY – Sasampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) at RA 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act”) ang dalawang lalaki na dinakip ng mga pulis sa isinagawang drug-buy-bust operation.
Ang mga nadakip ng Ramon Police Station ay sina Jomer Diyaoyao at Donald Capulong, 34 anyos at residente Bugalion Norte, Ramon, Isabela.
Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan kay P/Chief Inspector Lordwilson Adorio, hepe ng Ramon Police Station, isinagawa nila ang drug buy-bust operation at nasamsam sa pag-iingat ng dalawa ang illegal na droga, cellphone at Caliber 22 na baril.
Sinabi ni PCI Adorio na si Diyaoyao ay tokhang responder.
--Ads--




