CAUAYAN CITY- Nagtamo ng sugat ang isang lalaki makaraang tagain ng isa sa mga kainuman makaraang makipagtalo.
Sugatan sa ulo si Clay Pascua, 47 anyos, self employed makaraang tagain ni Christopher Magat, 33 anyos, binata, sales agent at kapwa residente ng barangay Rosario,Santiago City.
Lumabas sa pagsisiyasat ng pulisya na nagkaroon ng inuman sa bahay ni Magat at nang malasing ay nagkaroon ng mainitang pagtatalo sa pagitan ng biktima at mga kainuman.
Kasalukuyang nagbabalat ng pinya si Magat nang mapakinggan ang mga pag-aaway nina Pascua at kainuman dahil sa inis ay kumuha ng itak ang suspek ay tinaga sa ulo ang biktima.
Nasugatan din sa paa si Magat makaraang tagain din ni Pascua.
Pinaghahanap pa rin ng pulisya si Magat na umalis sa kanilang lugar matapos ang pnanaga habang nasa mabuti nang kalagayan si Pascua dahil hindi malala ang tinamong sugat.




