--Ads--

CAUAYAN CITY– Hindi pa nakilala ang dalawang lalaki na sakay ng motorsiklo na nasawi matapos nilang makabanggaan ang isang toyota hilux pick up sa national highway na sakop ng San Fernando, Alicia, Isabela.

Ang tsuper ng pick up ay si Elmer Reymund Mabbayad, 50 anyos, may asawa, private employee, at residente ng barangay Alibagu, Ilagan City, Isabela.

Lumabas sa Pagsisiyasat ng Alicia Police Station na patungong timog na direksyon ang Pick-up habang ang Russi na motorsiklo ay patungong direksiyon ng lungsod ng Cauayan.

Bumangga ang motorsiklo sa pick-up at sa lakas ng impact ay nagtamo ng malalang sugat sa katawan ang dalawang sakay ng motorsiklo na agad dinala sa Manango Hospital subalit idineklang dead on arrival.

--Ads--

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni PO2 Jayson Pascua, tagasiyasat ng Alicia Police station na ang dalawang nasawi ay nasa 40 at 20 anyos, katamtaman ang pangangatawan, nakasuot sila ng puting t-shirt at short pants.