--Ads--

Dalawang lalaki ang nagtamo ng matinding sugat sa katawan matapos sumalpok ang minamaneho nilang motorsiklo sa kasalubong na jeep sa Barangay Santa Filomena, San Mariano, Isabela.

Nakilala ang mga biktima na sina Cedric Sabban, 29-anyos, at Sonny Gauiran, 28-anyos, kapwa residente ng District 2, Benito Soliven, Isabela.

Napag-alaman na binabagtas ng mga biktima ang kalsada sa kahabaan ng Zone 1, San Mariano, Isabela, at pauwi na sana sa Benito Soliven nang biglang sumalpok ang kanilang motorsiklo sa kasalubong na jeepney na minamaneho ni Edmund Teodoro ng Surcuc, Naguilian, Isabela.

Ayon kay Dr. Bonnevie Bannatao, Duty Doctor ng San Mariano Medicare and Hospital, sa lakas ng impact nagtamo ng malalang sugat sa ulo si Sabban, na kasalukuyan nang nasa Intensive Care Unit. Hindi naman maigalaw ni Gauiran ang kaniyang paa kaya kinailangan silang ilipat sa mas malaking pagamutan.

--Ads--

Dinala rin sa himpilan ng pulisya ang driver ng jeep para sa imbestigasyon kaugnay ng pangyayari.