--Ads--

CAUAYAN CITY – Nasa maayos nang kalagayan ang dalawang lalaking nakuryente habang nag-aayos ng poso sa Echague, Isabela.

Ang mga biktima ay sina Felipe Gumpal, 48 anyos, may-asawa, residente ng Santa Cruz, Echague at Nilo Quilang, 38 anyosna residente ng Santo Domingo, Echague, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan, ang dalawang biktima ay binubunot ang bakal ng ginagawang poso nang biglang sumayad sa kawad ng kuryente sanhi para sila ay makuryente.

Dahil sa lakas ng boltahe ng kuryente ay tumilapon ang dalawang lalaki at bumagsak sa sementadong daan sanhi para sila ay magtamo ng bukol sa ulo at nawalan pa ng malay.

--Ads--

Agad na nilapatan ng paunang lunas ng rescue team ang mga biktima na agad dinala sa pagamutan subalit sila ay tumangging magpagamot nang bumalik ang kanilang malay.

Nagpapagaling na ang dalawang lalaki sa kani kanilang tahanan.