CAUAYAN CITY- Dinakip ng mga kasapi ng Presinto Uno ng Santiago City Police Office ang dalawang lalaking naaktuhang nagpapataya ng Jueteng sa Santiago City.
Ang dinakip ay sina Jaime Corpuz, 30 anyos, binata, residente ng Mabini, Santiago City at Armando Cruz,29 anyos, binata at residente ng Brgy. Rizal Santiago City.
Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan kay P/ Sr. Insp. Florentino Mauirat, Intelligence and Investigation Chief ng Presinto Uno, positibong nagpapataya ng sugal ang dalawang suspek.
Nasamsam ng mga pulis sa dalawa ang mahigit P/600.00 na napatayaan at mga papelito o listahan ng mga pataya.
Nanindigan ang mga suspek na hindi umano illegal ang kanilang gawain dahil ang alam nila ay sa Small Town Lottery nila umano ipinapasok ang mga napatayaan
Ang dalawang suspek ay nasa pangangalaga na ng Station one ng Santiago Police City Police Office habang hinahanda na ang kasong paglabag ng presidential decree 1602 (illegal Gambling).




