--Ads--

CAUAYAN CITY – Dinakip ang dalawang tao ng mga kasapi ng San Agustin Police Station dahil sa kinakaharap na kasong robbery with homicide.

Sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Bonifacio Ong ng RTC Branch 24 ng Echague, Isabela, dinakip sina Jake Laurance Clemente, 33 anyos, may-asawa, negosyante at Bobby Valiente, 55 anyos, may-asawa, mining machine operator, kapwa residente ng Purok Uno, Masaya Sur, San Agustin, Isabela.

Walang iminungkahing piyansa ang hukuman para sa pansamantalang paglaya ng dalawa na ngayon ay nasa pangangalaga ng himpilan ng pulisya ng San Agustin, Isabela.